Pagsusuri sa Pelikulang Pilipino: Maynila sa Kuko ng Liwanag
Isang nobela noong 1986 na isinulat ni Edgardo M. Reyes, na orihinal na naka-serial sa magazine ng Liwayway mula 1966 hanggang 1967. Ang pamagat na “Sa kuko ng Liwanag” ay isang salitang literal na pagsasalin ng pamagat ng Tagalog, na bilang isang pariralang mabisa walang katuturan sa Ingles. Nagkaroon ng isang pelikula ang nobela noong 1975 sa direksyon ni Lino Brocka. Ito ay isa sa mga pinakadakilang proyekto sa Pelikulang Pilipino.
Isang mangingisda na si Julio na lumunsad sa Manila para hanapin ang kanyang nobia na si Ligaya. Naranasan niya ang mga pangaabuso habang siya ay nagtatrabaho at nakita niya na andaming nanghihirap. Nawalan siya nangtrabaho at inisipang ibenta ang sahod. Naging biktima si Julio sa mga gulo at sa mga isyu. Hinahanap niya si Ligaya at inaasahang makita rin si Mrs. Cruz para tanungin kung saan siya napunta. Nang mahanap niya si Ligaya, isinumbong ni Ligaya ang mga nangyari sakanya tulad ng pangaabuso at pang-gagahasa. Naisipan nila tumakas pero si Ligaya ay namatay sa disgrasya. Nang malaman ni Julio na ang gumulo kay Ligaya ay isang intsik na si Ah Tek. Isinaksak ito sa likod at sinubukang tumakas. Natapos ang kwento sa isang trahedya nang hindi siya makatakas at ito ay namatay.
Ibinahagi sa kuwento ang mga isyung panlipunan tulad ng pagnanakaw, ang kadalasang ginagawa ng mga tao ngayon dahil sa sila ay naghihirap na. Pang-gagahasa: Karamihan sa mga kababaihan ay nagiging biktima ng gahasa at ang karamihan ay natatrauma tulad ni Ligaya na nagiging biktima pero tinatakasan naman niya ito. Pang-aabuso: Kadalasan ito nararanasan ng mga tao, lalong lalo na sa mga kababaihan at sa mga bata. Pagpoprotesta ng mga tao laban sa maling gawain: Maraming nagpoprotesta ngayon para humingi ng hustisya o katahimikan. Sa pelikula, ipinapakita dito ang kanilang pagmamarsta ng bayan laban sa pasismo. “Human Trafficking”: Dito ay binebenta nila ang kanilang katawan o binebenta nila ang tao para lang gawing libangan. Inakala ni Ligaya ay makakapagtrabaho siya ng maayos sa Manila, pero siya ay napunta kay Ah Tek dahil kay Mrs. Cruz. Diskriminasyon: Uso ngayon ang body shaming at ang panglalait sa kapwa tao. Sinasabing “Isang kain, isang tuka ka lang” pero hindi nila alam na siya ay nagsumisikap at umaasa para sa kanyang pangarap.
Ang teoryang realismo sa pelikula ay nagbibigay ng katotohanan. Ang layunin nito ipakita o ilahad ang tunay na buhay, pinapaksa dito ang kalagayan na nangyayari sa lipunan katulad ng kurapsyon, kahirapan at diskriminasyon. Madalas itong naka pokus sa gobyerno. Ang teoryang realismo sa kwento ay nagsasahad sa paghihirap ng pangunahing tao (Julio). Mga pangyayari sa lipunan na madalas ay nararanasan ng mga taong katulad ni Julio at ng kanyang mga kasama.
Bahagi ng pelikula ay ang pang-aapi at pang-gagahasa sa mga kababaihan ay pwedeng halimbawa sa teoryang realismo. “Nakakulong sa kwarto na parang isang kahon ng posporo!” Ganun ang paliwanag ni Ligaya at sunod sunod nang sabihin kay Julio ang kanyang takot nang siya ay naging biktima ng gahasa. Apektado ang manonood sa eksena at ang eksenang na ito ay nakasalalay din sa totoong buhay. Karamihan sa mga babae sa totoong buhay at nagiging biktima ng gahasa. Ito ay maaaring magiging sanhi ng pagbubuntis at sanhi ng sakit. Dahil marami na ang nagiging biktima ng rape, ang karamihan sa mga kababaihan ngayon ay hindi na sumusuot ng nakakaakit sa labas, hindi na magpapakalasing, at hindi na magpapauto sa mga estranghero.
News: Gantimpala Theater Foundation and Grand Leisure Corporation ng “Maynila sa Kuko ng Liwanag” which ended its run recently at Kia Theater, Quezon City, was a valiant, earnest attempt to musicalize a classic work of Philippine cinema and literature. The play had lofty ambitions that is essentially ran counter to the spareness and simplicity of its source story. With the musical numbers dominating the narrative and calling attention to themselves, the doomed story of Julio and Ligaya struggled to hold center ground. Perhaps a rerun could occasion the needed fixes. It was directed by Joel Lampangan and the soaring music by Von de Guzman
by: Cora Llamas
Inquirer
“Kaya niyo bang tumira sa mundong magulo at sa mundong marumi? Magtiwala sa sarili at wag kang sumukong lumaban at wag kang sumukong mangarap sa buhay. Maayos din ang mga problema sa buhay at ang hustisya ay dapat na maihatid sa mga may puso.”